HINDI raw magdadalawang isip ang gobyerno na gamitin ang kapangyarihan at awtoridad nito sa anumang tangka na paghiwa-hiwalayin ang republika.
“Authority and forces to quell and stop any and all attempts to dismember the republic,” pahayag ni Sec. Eduardo Año, National Security Adviser (NSA).
Ito ang tugon ni Sec. Año sa naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa naging pahayag nito na maghiwalay ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas.
Para kay Sec. Año na dating miyembro noon ng gabinete ng Duterte administration na matatag ang gobyerno sa pagtiyak ng soberanya at integridad ng pambansang teritoryo.
“Any attempt to secede any part of the Philippines will be met by the government with resolute force, as it remains steadfast in securing the sovereignty and integrity of the national territory,” dagdag ni Año.
Ipinunto ng National Security Adviser na anumang panawagan para sa pagkakahati-hati ng bansa ay siguradong magpapahina sa adhikain ng gobyerno na sama-samang pag-unlad.
“We emphasized that calls for division of our country only serve to undermine our collective progress and prosperity. The strength of our country lies in our unity and any attempt to sow division must be rejected by all sectors unequivocally,” ayon pa kay Año.
Ayon naman kay Peace Process Sec. Carlito Galvez, Jr. na dating miyembro ng gabinete ng Duterte administration, siguradong ibabalik lang tayo sa uno o square one sakali’t ipilit ang Mindanao secession.
“We cannot go back to square one. We must learn our lessons from the past and apply these to all aspects of our life as peace-loving citizens. Let us always choose peace and remain united, as it is the only way to move forward as one people and one nation” saad ni Sec. Carlito Galvez, Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity.
Atty. Panelo, tinawag na O-A ang negatibong reaksiyon kaugnay sa Mindanao secession
Sinagot naman sila ng dating gabinete din ni Pangulong Duterte na siya ring dating tagapagsalita at chief presidential counsel sa kaniyang program sa SMNI.
Ayon kay Atty. Sal Panelo, nago-over react lang daw ang mga dating gabinete ni Pangulong Duterte sa isyu ng pagsasarili ng Mindanao.
“Ito ang masasabi ko sa mga nagsasalita ay masyado kayong overacting OA, ‘yan ang sobrang OA, ano ang ika-crush ninyo? What are you going to crush? What secession are you talking about? The secession that is being articulated by the former president is just an idea. Naiintindihan niyo ba kung ano ang idea? Isang mungkahi, its not a crime, hindi sedition ‘yan,” wika ni Atty. Salvador Panelo, Former Chief Presidential Legal Counsel.
Kinuwestiyon din ni Panelo ang naging tugon nina Sec. Año at Sec. Galvez kung ito din nga ba ang pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
“Masyado kayong mga OA, bale ba ang nakakainis, inis na ang gagamitin ko kasi itong mga nagsasalitang ito ay mga dating cabinet members ni Presidente Duterte na hindi nila iniintindi muna nila ang principal nila eh kilalang-kilala naman nila itong taong ito masyado naman kayo nagpapasipsip sa Malacañang, hindi maganda ‘yan kasi ‘yang ginagawa ninyo ay sinisira din ninyo ang ang presidente ng bansa eh wala namang sinasabi ang presidente nila, isa nga lang ideya, it’s just an idea,” dagdag ni Panelo.
Camiguin Gov, solon ayaw sa Mindanao secession
Samantala, nagpahayag naman ng babala ang mga Romualdo ng Camiguin sa isyu ng Mindanao secession.
Sa isang pahayag, kinuwestiyon ni Camiguin Gov. Xavier Jesus Romualdo ang isinusulong na paghihiwalay ng Mindanao sa Republika ng Pilipinas.
Sabi ng nakababatang Romualdo na dapat na sagutin nina dating Pangulong Duterte at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ang mga hinaing nila sa naging estado ng Mindanao.
Ayon kay Romualdo, ano ang nagawa ng Duterte administration noong sila pa ang namuno sa bansa.
“I served three terms in Congress. Two of those terms were during the Duterte presidency. And I served under five speakers, including former Speaker Alvarez. Of the five, Alvarez was the most forceful and powerful. Of course, everyone knows how powerful former President Duterte was during his term. Both are from Mindanao. They should thus answer for their complaints about the state of Mindanao. If things are as bad as they say, why is it that way when you ruled the country for six years? What were you doing when you were at the helm?” saad ni Gov. Xavier Jesus “XJ” Romualdo, Province of Camiguin.
Sinagot din ito ni Atty. Panelo sa kaniyang programa.
“Eh di ba sinabi ko na dahil nga siya ay masyadong maka-delicadeza ang inuna niya ay ang ibang lugar eh di ba nga ang airport ipinakausap ng kaniyang anak eh sabi niya huwag na baka tayo ang mapulaan unahin muna natin ang iba. ‘Yan ang tunay na presidente pero ang katotohanan ay ang mga nakaraang presidente ay hindi talaga inasikaso ang Mindanao. But ofcourse meron pa rin nagawa ang presidente ay hindi talaga isang daang porisyento,” giit ni Panelo.
Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Camiguin Lone District Rep Jurdin Jesus Romualdo dahil ang Mindanao secession ay tila pagbabasura aniya sa mga naging sakripisyo na ginawa ng marami sa mga nasa Mindanao upang matamasa ang kapayapaan ngayon sa ngalan ng ‘self-preservation’ o para mapangalagaan ang sarili.
“It took many decades and countless lives lost before Mindanao experienced relative peace. Now that it’s on the road to prosperity, it’s frustrating that people like Duterte and Alvarez are willing to throw all that sacrifice in the name of self-preservation,” pahayag ni Cong. Jurdin Jesus “JJ” Romualdo, Lone District, Camiguin.
Bagay na hindi sinang-ayunan ni Atty. Panelo.
“Hindi,… kayo ang nagse-self preservation, kayong mga kumokontra diyan kasi nakikinabang kayo sa pangkasalukuyang sistema, ‘yun ang katotohanan diyan, ayaw niyo, kasi tatamaan kayo,” ani Panelo.
Camiguin Gov, solon, itinuturing na sedition ang isinusulong na Mindanao secession
Naniniwala rin ang mag-amang Romualdo na maituturing na sedition ang pahayag nina dating Pangulong Duterte at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez sa pagsusulong na humiwalay ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas.
Dahil dito hinikayat ni Cong. JJ Romualdo ang Kamara na imbestigahan ang nasabing hakbang para sa paglilitis at pagpapatalsik kay Cong. Alvarez kaugnay sa pagsusulong nito sa Mindanao secession.
Payo naman ni Atty. Panelo sa mga nagsasabi na puwedeng kasuhan ng sedition si dating Pangulong Duterte at Cong. Alvarez.
“Basahin ninyo ang Artikulo 139 of the revised penal code ang krimen ng sedition ay committed by persons who rise publicly and tumultuously in order to attain by force, intimidation, or by other means outside of legal methods, para gawin ang hindi dapat like for instance ‘yung hindi mo ipapatupad ang mga batas ng ating bansa, ‘yun pong suhestiyon ni Presidente Duterte ang tanungin natin huwag natin banatan ang idea,” ani Panelo.
Ayon naman kay Cong. Alvarez na nakahanda itong harapin ang anumang kahihinatnan ng naging hakbang nito.
“I’m ready to face the consequences of my actions and will take full responsibility as well,” ayon kay Cong. Pantaleon Alvarez, First District, Davao del Norte.
Tingnan ang dahilan bakit nais ng mga taga-Mindanao ang maghiwalay sa Republika ng Pilipinas—Atty. Panelo
Samantala, may panawagan naman si Atty. Panelo sa mga hindi pumapabor sa issue ng paghihiwalay ng Mindanao sa Republika ng Pilipinas.
“Eh kung gusto ng buong Mindanao na mag-secede sa mapayapang paraan at ‘yan ang kagustuhan nila ay wala tayong magagawa doon. Sovereignty, paulit-ulit ko na sinasabi resides sa Pilipino sambayanan kung gusto ng sambayanang Pilipino dun sa parteng ‘yun ayaw na nila kasi nga meron silang problema na hindi natutugunan ng national government ay wala tayong magagawa ‘dun,” dagdag ni Panelo.
Iginiit ni dating Pangulong Duterte na hindi isang rebellion ang pahayag niyang magsarili ang Mindanao dahil kung sakali naman ay gusto nila na sa mapayapang paraan ito mangyari tulad nang humiwalay ang Singapore noon sa Malaysia.
Ang Singapore ngayon ay isang first world country habang nananatiling third world ang Malaysia.
Ang paghihiwalay sa Republika ng Pilipinas na nga ba ang susi upang makamit ng mga taga-Mindanao ang matagal na nilang minimithi na kaunlaran? Nasa kamay ito ng mga nagsusulong at kung susuportahan ng mga taga-Mindanao.