Gobyerno tiwalang mawawakasan ang pamamayani ng kasamaan ng NPA sa 2022

Gobyerno tiwalang mawawakasan ang pamamayani ng kasamaan ng NPA sa 2022

KUMPIYANSA ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ( NTF-ELCAC) na kayang wakasan ng gobyerno ang kaguluhang  dala-dala ng New People’s Army (NPA) sa termino ng kasalukuyang Presidente.

Ayon sa NTF-ELCAC Vice Chairman Sec. Hermogenes Esperon, ang itinakdang panahon para wakasan ang Communist Terrorist Group (CTG) ay possibleng makamit ng Task Force, base sa mga “Pagod” na NPA na patuloy na nagbabalik-loob na sa gobyerno.

“Self-imposed namin iyan at si Pangulo, dahil siya ang Chairman ng NTF-ELCAC.  He wants to finish the NPA by July 2022. Sa estimate ko lang from their current strength of about 3,500, palagay ko baba na iyan. Mabilis na ang pagbaba niyan dahil ang dami ng nagsu-surrender. So, kung ito’y baba halimbawa ng 2,000 nationwide, magiging law and order problem na lang ito. Ibig sabihin primarily pulis na lang ang hahawak sa kanila at local governments,” ayon kay Sec. Hermogenes Esperon Jr.

Bagama’t binanggit pa rin nito na possibleng may matira na makakaliwang grupo sa susunod na administration.

Dagdag pa ni Esperon na bibilisan pa ng NTF-ELCAC ang kanilang aksiyon para mas marami pa na mabuwag at mas marami pa ang sumuko na mga rebelde.

Ayon pa kay Esperon na ang kapamaraanan para masolusyunan ang insurhensiyang nangyayari sa bansa ay ang sinabi ng Pangulo na pakikipagtulungan ng buong bansa at hindi ang military lamang.

“Peace and security is not only just a military concern. That’s why we deviated from the traditional purely military approach in dealing with matters of national security. With the creation of the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict or NTF-ELCAC, we have made strides in addressing the root causes of this conflict by empowering our kababayans who have been used by the communist forces in many decades,” ayon sa Pangulong Duterte.

Samantala ang Barangay Development Program (BDP) na pinaglaanan ng P20 million budget ay mapupunta sa.

  1. 1-kilometer farm-to-market road (PHP12 million)
  2. Classrooms (PHP3 million)
  3. Water and Sanitation systems (PHP2 million)
  4. Health station (PHP1.5 million)
  5. Livelihood projects (PHP1.5 million)

Ikinadismaya naman ni Esperon ang reaksiyon ng iilang kongresista ukol sa budget na nakalaan sa BDP para sa NTF-ELCAC na magastos raw, pero sa kabila nito ay ikinatuwa ng Presidente ang ginagawa ng NTF-ELCAC para muling makamit ang kapayapaan sa mga lugar na dating napinsala ng mga komunistang grupo.

Ayon sa mga opisyal ng NTF-ELCAC malakas na ang presensiya ng gobyerno sa mga lugar na dating naimpluwensyahan ng NPA, kaya para kay Esperon ‘’kung saan sila malakas ay diyan din dapat tayo magiging malakas, we are giving them a good fight but we are trying to end the fight,’’dagdag nito.

SMNI NEWS