BINIGYAN na lang ng hanggang sa katapusan ng linggo ang mga opisyal ng government-owned and controlled corporations (GOCCS) para tumalima sa courtesy resignation.
Ibig sabihin, maaari pa silang magsumite ng courtesy resignation basta’t hindi lalampas sa Hunyo 20, 2025.
Kasama sa mga hiningan ng courtesy resignation ang lahat ng appointive directors, trustees, at miyembro ng mga board of directors ng GOCC.
Pagkatapos ng Hunyo 20 ay isusumite ng Governance Commission for GOCCS sa Office of the President ang listahan ng lahat ng kasalukuyang appointive members ng mga board ng GOCC.