Golden State Warriors, ipinagdiwang ang Fil-Am History Month

Golden State Warriors, ipinagdiwang ang Fil-Am History Month

BIDANG-bida ang Filipino pride sa Chase Center matapos na ipagdiwang ng 2022 NBA Champions na Golden State Warriors ang kauna-unahan nitong Filipino Heritage Night ng bagong season kasabay ng Fil-Am History Month sa Chase Center.

Inaliw ng mga Filipino cultural dancers ang mga manonood sa kanilang pre-game at half-time performances.

Si Franco Finn ay ang Warriors at una at natatanging Fil-Am hypeman ng Warriors at ng NBA na ipinagdiriwang ang 20th season nito.

Ani Finn, ikinatuwa niya nang malaman niyang mayroong Filipino Heritage Night sa schedule dahil sa alam niyang mapapagsama-sama niya ang kanyang mga kababayan.

Bukod dito ay talagang gusto niyang ipakita ang magandang kultura ng mga Filipino sa harap ng mga manonood.

Sa ngayon ay mayroong standing ang Warriors na 2-1 matapos nitong talunin ang Sacramento Kings sa iskor na 130-125.

Follow SMNI NEWS in Twitter