Golden State Warriors, kinilala bilang most valuable NBA franchise ng Forbes

Golden State Warriors, kinilala bilang most valuable NBA franchise ng Forbes

KINILALA bilang most valuable NBA franchise ng Forbes ang Golden State Warriors.

Pinatalsik ng Warriors ang New York Knicks mula sa pwesto dahil dito.

Ayon sa Forbes, ito ang kauna-unahang pagkakataon kung saan hindi ang Knicks o Los Angeles Lakers ang naitanghal para sa titulo.

Sa ranking, may 7 billion dollars ang Warriors; 6.1 billion dollars ang Knicks; 5.9 billion dollars ang sa Lakers; habang 4.1 billion dollars ang Chicago Bulls.

Ang Boston Celtics naman ay may 4 billion dollars.

Ang least-valuable NBA franchise naman ay ang New Orleans Pelicans na may 1.6 billion dollars; at 1.65 billion dollars sa Memphis Grizzlies.

Ang Minnesota Timberwolves ay may 1.67 billion dollars; Charlotte Hornets na may 1.7 billion dollars; habang 1.8 billion dollars ang sa Indiana Pacers.

Follow SMNI NEWS in Twitter