DIKIT ang naging laban sa pagitan ng Golden State Warriors at Toronto Raptors.
Sa end of first half, kontrolado ng Warriors ang kanilang iskor ngunit pagkatapos ng third quarter ay nagawang nakadikit sa 93-92 ang Raptors.
Sa huling 12 minuto ng laro, patuloy na naghabol ang Toronto hanggang sa magtapos ang kanilang iskor sa 117-114.
Nagtala naman ng triple-double si Jimmy Butler na 16 points, 11 rebounds at 12 assists para sa panalo ng Golden State.
Sa ngayon, nasa ika-anim na pwesto sa Western Conference standing ang koponan.