Good governance, daan upang matuldukan ang korapsiyon—OFW party-list

Good governance, daan upang matuldukan ang korapsiyon—OFW party-list

NANINIWALA si Assistant Minority Leader at OFW Party-list Marissa Del Mar Magsino na ang good governance o mabuting pamamahala ang tutuldok sa problema sa korapsiyon sa bansa.

“Corruption undermines economic development and corrodes our institutions, which are supposed to foment development that would allow for wider opportunities for our overseas Filipino workers (OFWs) here in the country, instead of toiling abroad,” ayon kay Cong. Marissa ‘del Mar’ Magsino, Assistant Minority Leader | OFW Party-list.

Ito ang binigyang-diin ni Rep. Magsino sa kaniyang privilege speech sa Kamara.

Ayon sa mambabatas apektado ang mga Pilipino kahit ang mga overseas Filipino worker (OFWs) dahil sa talamak na korapsiyon sa bansa.

Batay sa datos ng Transparency International Corruption Perception Index, nasa ika-116 ang puwesto ng Pilipinas mula sa 180.

Ang nasabing listahan ay nagpapakita kung paano nakikita ng public sector ang nangyayaring korapsiyon sa buong mundo.

Naniniwala si Magsino na kinakailangan ng pamahalaan na gumawa ng mga polisiya at mekanismo na siyang tutugon sa talamak na korapsyon sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Hindi man madali itong makamit ayon sa mambabatas ngunit kung hindi gagawa ng hakbang ang pamahalaan ay hindi matutugunan ang problema sa korapsiyon.

“Good governance is an ideal which is difficult to achieve in its entirety. However, actions must be taken to work towards this ideal with the aim of making it a reality, if we are to possess a potent weapon against corruption in the country,” dagdag ni Magsino.

Sa kabila nito, binigyang diin naman ni Magsino ang ilang reporma na ginawa ng pamahalaan para matugunan ang problema sa korapsiyon gaya na lamang ang mga hakbang na ipinatupad ng Government Owned or Controlled Corporations (GOCC) na makailang beses din naging kontrobersiyal dahil sa sobrang bonus at hindi makatuwirang incentives na ibinibigay sa ilang opisyal at empleyado nito.

Dagdag ni Magsino, madalas nabibiktikma ng red tape ang mga OFWs dahil sa mga GOCC gaya ng SSS, PhilHealth at Pag-IBIG Fund.

Magugunitang taong 2011 nang maisabatas ang RA 10149 para mabuo ang Governance Commission for GOCC upang matiyak na magiging transparent at accountable ang mga GOCC.

“Institutionalizing good governance would mean there will be no space for crooks in our agencies who are allied with illegal recruiters and human traffickers, thereby protecting our OFWs. Above all, good governance and less corruption could lead to greater chances of economic growth and development of the country, better employment opportunities and livelihood assistance for OFWs when they come back home, and better living conditions for themselves and their families,” ani Magsino.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter