Good governance, sagot sa smuggling at importasyon ng bigas –PACQ

Good governance, sagot sa smuggling at importasyon ng bigas –PACQ

GOOD governance ang sagot upang masugpo ang smuggling at importasyon ng bigas.

Ito ang sinabi ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang Honorary Chairman ng SMNI sa programa nitong Powerline.

Sa katunayan, ani Pastor Apollo sa usapin ng importasyon ng bigas ay dapat ang Pilipinas ang siyang nag-eexport ng bigas dahil sa napakalawak na sakahan sa bansa.

 “Good governance ang sagot diyan kasi ang number one smuggling of rice pagkatapos pangalawa is importation of rice. Bakit nag-iimport tayo ng rice? Napakarami nating taniman sa buong Pilipinas. Dapat tayo ngayon ang nag-eexport ng ating mga bigas. Hindi natin kinakakalinga ang ating mga farmers, local farmers, kasi wala silang nakukuhang pera doon. Itong mga hayop at itong mga buwitre diyan sa pamahalaan na nag-smuggle, import nang import,” ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy,  SMNI Honorary Chairman.

Dagdag pa ng butihing Pastor, hindi na kailangan ang pag-import ng bigas kung matututukan at tutulungan lang ang mga lokal na magsasaka.

“Kung ating aayusin ito, hindi na tayo mag-iimport ng bigas, napakarami nating taniman. Susuportahan natin ang ating mga local farmers, sobra-sobrang bigas para sa atin lang, i-export pa natin,” dagdag pa ng butihing Pastor.

Samantala, sinabi rin ni Pastor Apollo na upang matigil ang korupsyon sa pamahalaan, dapat ay kilala ang mga pipiliing mamumuno at walang rekord ng pagnanakaw ang mga ito.

Inihalimbawa ni Pastor Apollo dito ang nangyaring sugar fiasco o ang kontrobersyal na isyu sa importasyon ng asukal.

Kung titignan, ani Pastor Apollo, tila rice fiasco ang nangyayari.

“Kita ninyo ‘yung sugar fiasco na nangyari? Ito magiging rice fiasco din kung titingnan natin at tututukan para lang sila ay magkapera sa bulsa. Kaya ito galit na galit ang taong-bayan sa mga gumagamit ng kanilang mga kapangyarihan upang umabuso at magkapera lang sa mga bulsa nila. Sila lang ang nakikinabang at pagkatapos at the expense of the people,” ayon pa kay Pastor Apollo.

Dahil dito, binigyang-diin ni Pastor Apollo na dapat maganda ang rekord ng mga opisyal na ilalagay partikular na sa matataas na pwesto sa gobyerno.

“Kaya, ‘pag ikaw naglagay ka ng isang tao mo sa pamahalaan, dapat alam mo kung sino sila. Magnanakaw ba ito, tulisan ba ito? Ganito ba ‘yung record niya?  ‘Pag nagka-record ng ganyan, naku, titingnan ko ang mukha niyan, hindi ko na titingnan eh. Ang taong mga matakaw sa pera, ‘yung mga love of money, hindi nakukuntento. Isa lang tao siya, nakikinabang sa ganoong kalaki, dapat ‘yan alisin sa Pilipinas, ipakain sa mga pating,” aniya pa.

“Sabi nga ni Miriam Santiago, ‘pag ako naging presidente, tatadtarin ko kayo at pakakain  ko kayo sa mga pating. Ganoon kasama ang mga taong siya ang dahilan kung bakit umaangkat pa tayo ng bigas na napakarami nating taniman. Kung isu-subsidized ng pamahalaan ang ating mga farmers na walang kakayanan, ang iba maraming kakayanan, kinakaya na lang nila. Sobra-sobra ang mga bigas natin, sobra-sobra. We will be self-sufficient,” pagtatapos ni Pastor Apollo.

Follow SMNI NEWS in Twitter