Gordon Ramsay, magbubukas ng dalawang bagong restaurant sa Cebu

Gordon Ramsay, magbubukas ng dalawang bagong restaurant sa Cebu

LAPU-LAPU CITY, CEBU, APRIL 30, 2025 — Nakatakdang palawakin pa ni world-renowned British chef Gordon Ramsay ang kanyang presensya sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbubukas ng dalawang bagong restaurant sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Ang una ay ang Gordon Ramsay Fish & Chips, isang fast-casual spot na mag-aalok ng British-inspired seafood dishes tulad ng lobster & shrimp, dirty chips, at classic milkshakes.

Ang ikalawa naman ay ang Street Burger by Gordon Ramsay, isang American diner-style restaurant na kilala sa mga bold at flavorful burger selections. Kabilang sa mga pagkaing ihahain ay ang Idiot Burger, Gordon’s Fried Chicken Burger, at ang signature creation ng chef — ang O.G.R Burger.

Ang Cebu expansion ay kasunod ng matagumpay na pagbubukas ng Gordon Ramsay Bar & Grill sa Newport World Resorts, Pasay City, na naging paborito ng mga lokal at banyagang foodies.

Ayon sa mga ulat, inaasahan ang pagbubukas ng dalawang bagong branch ngayong taon, bilang bahagi ng patuloy na global expansion ng Ramsay restaurant brand sa Southeast Asia.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble