UNANG public appearance ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia matapos ang eleksiyon nitong Mayo 12, 2025, kung saan natalo siya sa unang pagkakataon sa isang baguhan na si Pamela Baricuatro.
Dumalo si Garcia sa isang aktibidad ng DTI Cebu at Cebu Province sa isang mall sa Cebu City.
Naging emosyonal naman ang ilang Capitol employees habang nagbibigay ng mensahe ang opisyal.
Inanunsiyo rin ng gobernadora ang inilabas ng Court of Appeals na Temporary Restraining Order (TRO) kaugnay sa kaniyang suspension mula sa Office of the Ombudsman.