Government underspending, nagpabagal ng GDP growth sa 2nd quarter ng taon— DBM

Government underspending, nagpabagal ng GDP growth sa 2nd quarter ng taon— DBM

NAGPABAGAL ng Gross Domestic Product (GDP) growth sa 2nd quarter ng taon ay ang government underspending ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Inihayag ng DBM na kabilang sa kontribyutor kaya bumagal ang paglago ng GDP ng bansa ay may kinalaman sa government spending.

Sa press briefing sa Malacañang nitong Martes, sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na ang national government agencies ay hindi nagawang ma-disburse ang mahigit P170-B na available funds, kaya bumaba ang kontribusyon ng government spending sa GDP ng bansa.

Binigyang-diin naman ni Pangandaman ang kahalagahan para sa mga ahensiya ng pamahalaan na magastos ang pondo at mai-implementa ang mga proyekto ‘on time’.

“Based on our data po, if we only were able to at least disburse 65 billion pesos— so meaning hindi po negative seven iyong government spending natin, magiging zero lang. Dapat po ang ating GDP growth is 5.3%. So with that, you will see po kung gaano kaimportante iyong budget that we provided for the national government,” ayon kay Sec. Amenah Pangandaman, DBM.

Noong Agosto 9, naglabas ang DBM ng isang circular na nag-aatas sa lahat ng mga ahensiya na magbigay ng ‘catch-up plans’ para sa kani-kanilang project implementations.

Sakali namang hindi pa rin nakatutugon ang isang government agency doon sa tamang paggasta sa kanilang budget, giit ni Pangandaman, ay maaaring maaapektuhan ang future proposed budget ng mga ito.

“Tatamaan po iyong future budgets po nila, ang proposal po nila. But during our meeting last week the President, nandoon po iyong mga agencies na … mga departments po na medyo hindi makahabol, and all of them naman po, they committed to the President that they will fast-track the implementation of their projects and programs,” dagdag ni Pangandaman.

Tops 5 agencies na may pinakamababang government spending, pinangalanan ng DBM

Basa sa tala ng DBM as of June 30, 2023, kabilang sa top five departments na may pinakamababang obligation rate o mabagal na paggugol ng pondo para sa kanilang mga programa at proyekto ang Department of Information and Communication Technology (DICT), Commission on Elections (COMELEC), Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at ang Department of Energy (DOE).

“Sila po iyong at least iyong nasa top pero iyong circular po na binigay natin ay sa lahat po iyan ng ahensiya ng gobyerno,” ayon pa kay Pangandaman.

Iyong obligation rate po nila ay mababa— ibig sabihin, nabigay mo na po iyong allotment nila kumbaga iyong SARO po kasi kapag mayroon ka na noon ay puwede ka nang mag-bid. Malaking portion pa po noong pondong iyon ay hindi pa po nao-obligate, meaning hindi mo pa nabi-bid.

Una nang binanggit ni Pangandaman na ang mababang disbursement ng mga ahensiya ng gobyerno ay sanhi ng procurement-related difficulties, substantial outstanding checks na naitala noong katapusan ng Hunyo 2023 at billing concerns mula sa suppliers o creditors, at iba pa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble