NILINAW ng Presidential Communications Office (PCO) na hindi totoong walang pasok ang government offices at lahat ng mga paaralan sa buong Luzon ngayong araw, Oktubre 28 hanggang 31, 2024.
Sa kanilang pahayag, peke ang naturang impormasyon dahil wala silang inilabas na anunsiyo hinggil dito.
May ilang local government units (LGUs) na nag-anunsiyo ng walang pasok sa kani-kanilang nasasakupan para bigyang-daan ang rehabilitasyon ng mga pinsalang dulot ng Bagyong Kristine ngunit hindi ibig sabihin na buong Luzon ang idineklarang walang pasok.
Dahil dito, hinikayat ng PCO ang publiko na tanging maniwala sa mga anunsiyo na nagmula sa official government pages at hindi sa kung saan-saan lang na sources.