Grab, bibigyan ng 5 araw para isumite ang datos ng nasingil na P85

Grab, bibigyan ng 5 araw para isumite ang datos ng nasingil na P85

MULING humarap sa pagdinig ang apat na opisyal ng Grab Philippines para magpaliwanag sa umano’y labis na paniningil nila ng pamasahe.

Sa pamamagitan ng isang powerpoint presentation, pinaliwanag ng Grab na real time ang computation ng surge rate at hindi basta’t itinatakda lang tuwing peak hours.

Nakadepende rin sa suplay o bilang ng naka-online na driver partner sa oras na yun at demand o laki ng mga nagbo-book na pasahero ang pagtatakda ng dynamic pricing ng Grab.

Pero, ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz III, confusing ang paniningil ng Grab sa mga pasahero dahil wala itong parameter na nagiging basehan ng mga pasahero para sa surge rate.

“The argument is quiet confusing, ang sabi nila it’s base on rhythm or mechanism which was explain to us. So ‘yung charge would depend base on the demand on supply at any given time. The problem is that we don’t have any definitely bruise,” saad ni Asec. Teofilo Guadiz III, LTFRB.

Bagamat tinapos na ang pagdinig, bibigyan ng 5 araw ng LTFRB ang Grab para magsumite pa ng paliwanag at datos sa bilang ng nasingil nito ng P85 kahit hindi rush hour at short distance lang ang biyahe.

 

Grab, nanindigan na tugma sa fare matrix ang kanilang sinisingil sa pasahero

Giit naman ng Grab, sumusunod sila sa fare matrix ng LTFRB at transparent din dahil nakikita agad ng pasahero ang pamasahe sa umpisa pa lang at maging ang on going na surge rate.

 “Grab Philippines maintains that its dynamic pricing is aligned with the pricing matrix set by the LTFRB for TNVS. It is a data-backed, algorithmic tool grounded on the level of demand versus supply,” pahayag ng Grab Philippines.

Sinabi pa ng Grab na ang surge pricing ay nakikita kapag ang dami ng mga pasaherong nagbu-book ay mas mataas kaysa sa dami ng mga driver-partner na nagseserbisyo.

Kaisa umano ang Grab ng LTFRB sa pagbibigay ng cost-effective na transportasyon para sa lahat ng Pilipino.

“We are one with the LTFRB in championing cost-effective transport for all Filipinos. As we look forward to the resolution of this case, Grab shall continue to work with all transport stakeholders to ensure our kababayans experience fair, convenient, and cost-effective public transport,” dagdag ng Grab.

 

Pagtatakda ng parameter sa surge rate ng Grab, iminumungkahi ng isang commuter group

Samantala, umalma naman ang commuter group dahil sa P85 na minimum fare na ipinapataw ng Grab sa mga pasahero.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, presidente ng Lawyers for Commuters Safety and Protection, hindi  na makatwiran  na ipinapasa ng Grab sa mga pasahero ang problema sa kakulangan nito ng suplay ng sasakyan.

Kaya naman, iminungkahi nito ang pagtatakda ng parameters sa fare surge ng grab upang hindi maabuso ang mga pasahero.

Suportado naman ng LTFRB ang naging suhestyon ng commuter group na maglagay ng parameter sa paniningil ng taas pasahe.

“Ang gusto sana naming mangyari ay maglagay kami ng parameters, hindi puwede na dependent lang sa isang company and dependent on the supply and the demand. In the first place who determines na malaki ang demand and ku-konti ang suplay. So, what we intend to decide right now is to pull up a paramater, kailan ba puwedeng magtaas itong mga TNVS companies,” ayon naman kay Asec. Teofilo Guadiz III, LTFRB, chairman.

Matatandaang, nag-ugat ang isyu ng Grab Philippines dahil sa reklamo ng ilang mga pasahero na pumapalo sa P85 ang awtomatikong singil ng Grab Philippines mula sa P45 na kahit hindi rush hour at short distance lamang ang biyahe at sinasabing ito ay wala pang pahintulot ng LTFRB.

Sinabi naman ng LTFRB na target nilang ilabas ang resolusyon sa isyu ng Grab Philippines sa buwan ng Pebrero.

 

 

Follow SMNI News on Twitter