MAGBABAWAS ng aabot sa isang libong empleyado ang Singapore ride-hailing firm na Grab Holdings.
Ipinaliwanag ng Grab na ang hakbang ay para ma-reorganisa nila ang kanilang kompanya.
Kaugnay nito ay ipinangako ng Grab na magbibigay sila ng financial, professional at medical support sa lahat na matatanggal.
Noong taong 2020 ay nagkaroon ng layoff ang Grab ngunit hanggang 360 empleyado.
Samantala, ayon kay Grab Philippines Public Relations Manager Arvi Lopez, marami sa mga nagtratrabaho dito sa bansa ang maapektuhan ng nabanggit na layoff.