Grab PH, muling pinatawan ng panibagong P9-M na multa

Grab PH, muling pinatawan ng panibagong P9-M na multa

PINATAWAN ngayon ng panibagong penalty ng Philippine Competition Commission (PCC) ang Grab Philippines.

Dahilan ng panibagong penalty ay ang kabiguan ng Grab Philippines na makapagbigay ng full refund sa kanilang mga customer mahigit 3 taon na ang nakalipas.

Nagkakahalaga ang panibagong penalty ng P9-M.

Noong taong 2019 nang maiulat ang sobra-sobrang paniningil ng pamasahe ng Grab PH mula Mayo 11 hanggang Agosto 10 sa naturang taon.

Sa P16.15-M na penalty na sinabi ng PCC, P14.15-M dito ang kailangan ibalik ng Grab sa kanilang customers.

May hiwalay rin ito na P2-M na penalty matapos nakitaan ng pagtaas ng insidente ng driver cancellations.

Mula February hanggang May, 2019 ay may mas nauna na ring penalty ang Grab PH na nagkakahalaga ng P23.45-M dahil pa rin sa parehong dahilan.

Sa kasalukuyan, ang P63.7-M na kabuuang penalties ng Grab PH simula nang mapasakanila rin ang Uber noong taong 2018 ay nadagdagan nga ng nabanggit na panibagong penalty.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter