Grab posibleng gagamit na ng drones sa deliveries

Grab posibleng gagamit na ng drones sa deliveries

POSIBLENG gagamit na ng mga drone ang logistics company na Grab Philippines para sa paghahatid ng mga package.

Bilang bahagi ito ng layunin nilang gawing mas efficient ang kanilang deliveries.

Sa isang pahayag, magsasagawa na ang Grab ng pilot study para sa paggamit ng unmanned aerial vehicle sa pagitan ng dalawang property na pagmamay-ari ng Megaworld Corp. sa Metro Manila.

Ang drone-powered delivery ay gagamit ng hybrid delivery model kung saan ang mga Grab rider ang siyang kukuha at maghahatid ng packages mula sa mga itinalagang drone landing stations.

Ang mismong delivery sa pagitan ng dalawang lokasyon ay gagawin ng drone.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble