Grace Poe, ikinatuwa ang pagkilala ng UNESCO sa FPJ film collection

Grace Poe, ikinatuwa ang pagkilala ng UNESCO sa FPJ film collection

NAGPAHAYAG ng taos-pusong pasasalamat si Senadora Grace Poe sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), matapos mapili ang koleksyon ng mga pelikula ng kanyang yumaong ama, ang Pambansang Alagad ng Sining na si Fernando Poe Jr., bilang bahagi ng Memory of the World Programme.

“We have put in a lot of effort to maintain it, and we are grateful that the UNESCO, through Professor Nick Deocampo, has recognized the significance of the FPJ Film Archives and is now committed to ensuring that this legacy of my father to the Filipino people remains protected, remembered, and passed on to future generations,” ayon kay Sen. Grace Poe.

Ayon kay Poe, may kabuuang isang daan at animnapu’t walong (168) pelikula ang nasa Fernando Poe Jr. o FPJ Film Archives—isang proyekto na kanilang itinatag para maayos na mapreserba ang mga pelikula ni FPJ.

Ginawa ni Poe ang pahayag sa paglulunsad ng Philippine leg ng global Memory of the World o MoW program sa Department of Foreign Affairs.

Layunin ng MoW program ng UNESCO na mapanatili at maprotektahan ang dokumentaryong pamana ng bawat bansa, at tiyaking maaabot ito ng mas nakararami.

Kinilala si Fernando Poe Jr. bilang “Hari ng Pelikulang Pilipino,” at ang kanyang mga pelikula ay nagsilbing salamin ng buhay ng karaniwang mamamayan. Pinuri ang kanyang mga ginampanang karakter na lumalaban sa pang-aapi at katiwalian.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble