Grand rally ng Tutok to Win Partylist sa Sampaloc, Maynila, dinagsa ng mga tagasuporta

Grand rally ng Tutok to Win Partylist sa Sampaloc, Maynila, dinagsa ng mga tagasuporta

UMARANGKADA na rin ang grand rally ng Tutok to Win Partylist sa Sampaloc, Maynila.

Pinangunahan ito ng kanilang first nominee na si Sam Verzosa na tinaguriang Anak ng Sampaloc, dahil lumaki ito sa mismong lugar.

Tutok to Win Partylist
๐˜š๐˜ข๐˜ฎ โ€œ๐˜š๐˜โ€ ๐˜๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ป๐˜ข, ๐˜๐˜ช๐˜ณ๐˜ด๐˜ต ๐˜•๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ฆ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜›๐˜ถ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฌ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ž๐˜ช๐˜ฏ ๐˜—๐˜ข๐˜ณ๐˜ต๐˜บ-๐˜ญ๐˜ช๐˜ด๐˜ต

Hindi nakalimutang balikan niย  Sam โ€œSVโ€ Verzosa, First Nominee ng Tutok to Win Party-list angย  kinalakihang lugar nitoย  sa Sampaloc Maynila, para dito isagawa ang Tutok to Win Party-list Grand Rally na pinamagatang: Anak ng Sampaloc, Tutok sa Sampaloc.

“Dito ako lumaki, dito ako namulat, dito ako tumira hanggang 22 years old ako, hanggang noong nag-aral ako ng college sa UP Diliman, hanggang noong nagsisimula akong nagsusumikap sa buhay para maiangat ko ‘yung estado ng pamumuhay namin at ng pamilya ko and ngayon nandito po ako ulit nagbabalik na ipakita na ‘yung Anak ng Sampaloc ay nandito na ulit sa Josefina St., Sampaloc, Manila,” pahayag ni SV.

Naging pundasyon ni SV sa kanyang tagumpay, ang kanyang talino at pagsisikap.

Sa ngayon, si SV ang CEO ng kilalang multi-awarded direct selling company o Health and Beauty Marketing Enterprise na FRONTROW.

Siya rin ngayon ang President ng Maserati Philippines.

 

Tutok to Win Partylist
๐˜‹๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ข-๐˜ด๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ต๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ๐˜ญ๐˜บ ๐˜ฏ๐˜จ ‘๐˜›๐˜ถ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฌ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ž๐˜ช๐˜ฏ’ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ต๐˜บ๐˜ญ๐˜ช๐˜ด๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜š๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ค, ๐˜”๐˜ข๐˜บ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข.

“‘Di natin kinalimutan ‘yung pinagmulan namin lalo na dito sa Sampaloc, Manila isa ‘to sa mga unang tinulungan namin lalo na noong pandemya. Kasi po kami nina Kuya Wil, Frontrow Cares Foundation tumulong po sa iba’t ibang parte ng bansa Luzon, Visayas, Mindanao umabot pa kami sa Middle East sa mga kababayan nating OFWs. Pero ‘di natin kinalimutan of course kung saan ako lumaki dito sa Sampaloc nagtayo na rin tayo ng eskwelahan dito pati ‘yung mga pangangailangan nila dito na mga community pantry, mga donasyon po tuwing may mga pangangailangan dito nandito po tayo para tumulong,” ani SV.

Ayon kay SV, anumang tagumpay ang kanyang narating, bitbit nito ang aral na natutunan, na wag kalimutang lumingon sa iyong pinanggalingan.

Sa pagbalik ni SV, kapansin-pansin ang dami at pagdagsa ng mga naging kabarangay nito, kapitbahay at mga taga suporta na dumaloย  sa nasabingย  pagtitipon.

Naging masaya ang programa dahil na rin sa mga presentasyon ng ibaโ€™t-ibang performers.

Kabilang sa dumalo sa nasabing rally ang sikat na TV host na si Willie Revillame o Kuya Wil na katuwang ni SV sa programang Tutok to Win.

Tutok to Win Partylist
๐˜š๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ˆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜™๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜บ ๐˜“๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช ๐˜‘๐˜ฐ๐˜ด๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ˆ๐˜ฃ๐˜ค๐˜ฅ๐˜ฆ ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ข ๐˜Š๐˜ณ๐˜ถ๐˜ป ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ข-๐˜‰๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ 530 ๐˜š๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ค, ๐˜”๐˜ข๐˜บ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜บย  ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จย  ๐˜ด๐˜ขย  ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜›๐˜ถ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฌ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ž๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜š๐˜ข๐˜ฎ ๐˜๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ป๐˜ฐ๐˜ด๐˜ข.

Samantala, sina Aling Remy Labid at ang batang si Jossan Abcde dela Cruz na parehong taga-Barangay 530 Sampaloc, Maynila ayย  kabilangย  saย  natulungan ng Tutok to Win ni Sam Verzosa.

“Ilang beses po siya nagbigay ng ayuda sa aming barangay pangalawa po lumingon pa po siya doon sa mga kabataan na nangangailangan ng tulong sa time po ng pandemya dahil naka-online classes po tayo pinagkalooban niya po ang aming barangay ng isang e-skwela hub na magagamit po ng mga kabataan para sa online classes,” ayon kay Aling Remy.

“Isa po siyang mabait na tao kasi po tinulungan niya po kami, binigyan niya po kami ng pinansyal na support para sa iskolar, para po mas galingan pa po namin ang school o pagbutihan pa po namin ang pasok,” ayon sa batang si Jossan.

Para sa kanila ni Aling Remy at Jossan, ang ipinamalas ni SV, na pagmamalasakit sa iba, ay tunay na inspirasyon para sa lahat.

“Tama po ang kanyang tinahak na landas tungo po doon sa kanyang adbokasiya. Napalawak pa po niya ang kanyang pamamaraan ng pagtulong para makarating pa po sa ibang bahagi ng Pilipinas,” dagdag ni Aling Remy.

“Huwag po kayong mag-alala dahil lalo pa po naming pagbubutihin ang aming pag-aaral upang hindi masayang ang tulong at suporta ng mga taong katulad ninyo. Paglaki ko po gagayahin ko po kayo, “ ayon pa kay Jossan.

 

Tutok to Win Partylist

Sakaling manalo ang Tutok to Win Partylist, sinabi ni SV na maliban sa pagbibigay saya at pag-asa, kabilang sa mga programa na isusulong ng grupo ang programang pang-edukasyon at pangkabuhayan.

Desidido na ang Anak ng Sampaloc at Tutok to Win Party-list First Nominee, Sam Verzosa,ย  na tahakin ang mundo ng pulitika para sa mas malawak pang paghahatid ng tunay na serbisyo para sa mamamayang Pilipino.

BASAHIN: Tutok To Win Partylist, inilatag ang programa sa paglilibot sa Batangas

Follow SMNI News on Twitter