Grand send-off ng mga LSI nitong weekend, naging matagumpay

Grand send-off ng mga LSI nitong weekend, naging matagumpay

MATAGUMPAY ang isinagawang pag-send off sa mga locally stranded individual (LSI) nitong weekend.

 

Ito ang inihayag ni Hatid Tulong Program lead convenor at Presidential Management Staff (PMS) Assistant Secretary Joseph Encabo sa Laging Handa Public briefing.

 

Mababatid na libu-libong LSIs ang napauwi sa kani-kanilang mga tahanan sa bahagi ng Luzon at Mindanao maging sa Bohol at Palawan sa ilalim ng Hatid Tulong Program kung saan sinabi ni Encabo na  magpapatuloy pa ang ang naturang programa para sa mga ito.

 

Inilahad ni Encabo na sa naturang grand send-off na isinagawa sa Rizal Park, Maynila, sa entrance pa lang, in-obserba na ang safety protocols tulad ng social distancing.

 

Idinagdag pa ni Encabo na upon registration, ie-endorso na ng PMS sa Department of Health (DOH) ang mga LSI para dumaan sa rapid test.

 

Sinabi naman ng kalihim na bahagi ng kanilang pakikipag-ugnayan at kasunduan na ang mga local government units (LGUs)  ay magkakaroon din ng sariling medical protocol.

 

“Kapag ang LSI ay naging positibo sa test na ginawa ng DOH, agad na ilalagay sa quarantine, at doon iko-conduct ang confirmatory test na yung swabbing,” ayon kay Encabo.

 

Binanggit naman ni Encabo na sa mga LSI na nag-positibo pagdating sa LGU, nandoon na ang responsibilidad ng mga local chief executives at officials na kaagad silang i-quarantine.

 

Aminado naman ang opisyal na hindi talaga maiiwasan ang mga kaso na katulad nito dahil nasa estado ng pandemic ang lahat.

 

“Sa parte ng twg, talagang ginagawa namin ang lahat upang maiwasan, hindi maging contributory ang twg ng hatid tulong initiative na ma-increase ang cases sa mga probinsya. Sa lgus, chief executives, may iilan po na medyo adamant, medyo may reservation na tanggapin,” pahayag ni Encabo.

 

Gayunpaman, ipinaliwanag ni Encabo na ito ay shared responsibility ng national government t ng LGU na pangalagaan at proteksyunan din ang mga taong posibleng may COVID-19 sa pamamagitan ng pag-aasikaso sa kanila at paglagay sa quarantine facility.

 

Idinagdag pa ni Encabo na malaking tulong ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na kapag mayroon silang natatanggap na report na may mga LGU na ayaw tanggapin ang kanilang constituents ay agad tinatawagan at pinapakiusapan na agad tanggapin kasabay ng pagtitiyak ng pagbibigay-suporta sa mga ito pagdating sa medical protocols.

 

Samantala, ipinaintindi naman ng pamunuan ng Hatid Tulong sa mga LSIs na nabibilang doon sa rehiyon tulad ng Caraga, Samar, Leyte, Panay Island at iba pang lugar patungkol sa pansamantalang suspensyon sa pagtanggap ng mga locally stranded doon bunsod ng malaking banta ng COVID-19.

 

Kasunod nito’y iginiit ng PMS na kailangan ang mahigpit na monitoring ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng mga colorum, mga unsupervised, unmonitored movement ng mga LSI.

 

“Hindi agad maitukoy o mabanggit ng pamunuan ng PMS kung anong grupo ang mga ito na hindi otorisado sa pagbyahe ng mga LSI na hindi dumaan sa rapid test o swab test at sa tamang proseso ng pagpapauwi,” aniya.

 

Dapat aniyang matigil ang operasyong ito dahil ang mga kolorum na aktibidad ang naging isa sa pangunahing dahilan kung bakit tumataas ang kaso COVID cases sa isang lugar.

 

Inihayag naman ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson na tuluy-tuloy ang kanilang pagpapagamit nang libre ng 100 mga bus para sa mga LSI.

 

Iminungkahi naman ng alkalde na imbes sa Quirino Grandstand, mas maiging gawin na lamang ang susunod na send-off sa Pasay Terminal kung saan maayos ang lugar na mapaghihintayan ng mga LSI at kumpleto ang akomodasyon mula sa palikuran at iba pa.

 

Inanunsyo naman ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na umabot na sa 62,762 na mga locally-stranded individual ang natulungan na pamahalaan as of July 2 kung saan lahat sila ay sumailalim sa test bago umalis.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.