Gratuity pay para sa contract service at job order government workers, ipinag-utos ni PBBM

Gratuity pay para sa contract service at job order government workers, ipinag-utos ni PBBM

IPINAG-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbibigay ng gratuity pay ng hindi lalagpas sa P5-K sa mga contract service and job order government workers.

Batay sa Administrative Order No. 3 na nilagdaan ni Pangulong Marcos, kung ang isang contract service o job order government workers ay nakagpagtrabaho ng kahit 4 na buwan lang hanggang December 15 ang mabibigyan ng one-time gratuity pay.

Maaari ding mabigyan ang hindi nakaabot ng 4 na buwan sa pamamagitan ng pro-rata basis.

Ang 2 buwan na hindi umabot ng 4 na buwan ay makatatanggap ng P4-K.

Ang 2 buwan subalit hindi aabot ng 3 buwan ay makatatanggap ng P3-K.

Ang hindi nakaabot ng 2 buwan ay makatatanggap naman ng P2-K.

Follow SMNI NEWS in Twitter