Great Wall of Baguio City, kasalukuyan nang ginagawa

IPINAHAYAG ni Public Works and Highways Secretary Mark A. Villar na nasa ‘full swing’ na ang konstruksyon ng Great Wall of Baguio City.

Ito ay isang 4.6-kilometer na bypass road na magkokonekta sa Major Mane Road at Kennon Road.

great wall of baguio
Great Wall of Baguio City, kasalukuyan nang ginagawa

“We are now implementing the Phase 4 of the Great Wall of Baguio City which will provide direct connection from Kennon Road to Loakan Airport without passing through the city proper of Baguio,” pahayag ni Secretary Villar.

Base ito sa report mula sa Baguio City District Engineer Rene Zarate.

Sinabi ni Zarate, naging local tourist destination ang nagpapatuloy na 2-lane road project dahil nakapagbibigay ito ng 360-degree na nakakapigil-hiningang tanawin ng Benguet mountain range.

Kabilang sa proyekto ang konstruksyon ng konkretong daan na may sidewalk at gutter maging ng retaining wall upang magbigay proteksyon sa mga motorista mula sa pagguho ng lupa.

Ayon ka Villar, inaasahang makumpleto ang bypass road na may anim na phases sa taong 2023 matapos makumpleto ang 3.07 kilometro sa ilalim ng unang tatlong phases.

“Upon completion, the road will also provide additional safe route to EPZA, Philippine Military Academy, Balatoc, and Philex Mines aimed at reducing traffic congestion in the City of Pines,” ayon kay Villar.

SMNI NEWS