Greek Coast Guard, nais sampahan ng kaso kaugnay ng paglubog ng fishing trawler noong 2023

Greek Coast Guard, nais sampahan ng kaso kaugnay ng paglubog ng fishing trawler noong 2023

IPINANAWAGAN ng ilang rights groups na kasuhan ang walong miyembro ng Greek Coast Guard kaugnay ng paglubog ng isang fishing trawler sa kanlurang bahagi ng Pylos, Greece noong Hunyo 2023.

Batay sa ulat ng Greek Ombudsman, may malinaw na indikasyon ng kapabayaan sa insidente.

Matatandaang may 500 hanggang 700 migrante ang sakay ng lumubog na sasakyang pandagat, kung saan 104 lamang ang nakaligtas at 82 na katawan ang narekober.

Samantala, itinanggi ng Greek Coast Guard ang ulat at iginiit na sinubukan nilang sagipin ang mga sakay ng trawler.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter