PINALAYA na ang Greek crew ng na-hijack na oil tanker sa Oman kamakailan.
Ayon ito sa Empire Navigation na may-ari ng St. Nikolas, ang tinutukoy na oil tanker.
Sa kasalukuyan ay pauwi na anila ang Greek crew.
Para sa 8 Filipino crew na kasama ng Greek ay patuloy pa ang ginagawang negosasyon ayon sa Philippine Ambassador sa Iran.
Nananatiling maayos naman aniya ang kalusugan ng Filipino crew at pinapayagang makontak ang kani-kanilang mga pamilya.
Sinalakay ng mga armadong Iranian noong Enero 11, 2024 ang St. Nikolas na naglalayag malapit sa Sohar, Oman sa pamamagitan ng Suez Canal.
Dala-dala ng mga ito ang nasa 145-K metriko toneladang langis mula Iraq papuntang Turkiye.