Green Energy Projects sa Africa, popondohan ng Germany

Green Energy Projects sa Africa, popondohan ng Germany

IPINANGAKO ng Germany na popondohan nila ang Green Energy Projects ng Africa hanggang taong 2030.

Ayon kay Chancellor Olaf Scholz, nagkakahalaga ang investment ng 4-B euros o katumbas ng $4.37-B.

Partikular na makakabenepisyo rito ay ang Egypt, Ethiopia, Benin, Burkina Faso, Ivory Coast, Ghana, Guinea, The Democratic Republic of Congo, Morocco, Rwanda, Senegal, Togo, at Tunisia.

Ang mga proyekto ay inaasahang magbibigay ng trabaho at kaunlaran sa African countries.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble