UMABOT na sa target na P800M ang gross sales ng 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ayon kay MMFF Overall Chairman Don Artes, ang dumaraming mga indibidwal na tumatangkilik sa local films ang dahilan kung kaya’t lumalaki na rin ‘yung nagiging kita nila.
Isa rin sa rason ng mataas na sales ang pagbabalik ng student short film festival.
Batay naman sa gross sales receipts, matataas ang nakuha ng ‘And The Breadwinner Is’, ‘Green Bones’, at ‘The Kingdom’.