DINALUHAN ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ang magkasabay na ground breaking ceremony ng Super Health Center at bagong fire station sa munisipyo ng Barotac Viejo sa probinsiya ng Iloilo.
Isa lamang ito sa mahigit 13 Super Health Centers na itatayo sa probinsiya ng Iloilo.
Layunin ng proyekto na mapadali ang pagbibigay ng serbisyong pagkalusugan sa ating mga kababayan lalo na sa mga nakatira sa mga liblib na lugar upang mapadali ang pagtugon sa kanilang pangangailangang medikal.
“As chairman sa Committee on Health, nag-groundbreaking po kami sa bagong Super Health Center po dito sa bayan ng Barotac (Viejo). Ang Super Health Center po ay puwedeng (doon) manganak, dental, laboratory, at X-ray. So, malaking bagay po ito. Ito ang paraan para ilapit natin ang serbisyong medical sa ating mga kababayan.”
“Mayroon pong itatayo na mahigit 600 na Super Health Center sa buong Pilipinas at (dito sa Iloilo,) mayroon pong 13 (under 2023 budget) at 8 (under 2022 budget), (in total,) 21 po ang itatayo po na Super Health Center sa Iloilo, kasama na po diyan ang Barotac Viejo na paglalagyan po,” ayon kay Sen. Christopher ‘Bong’ Go.
Kinilala rin ng DOH ang pangangailangang magtayo ng mga Super Health Center sa siyudad ng Iloilo maging sa iba’t ibang bayan, tulad ng munisipyo ng Anilao, Concepcion, Carles, Dingle, Estancia, Guimbal, Janiuay, Igbaras, Lambunao, Lemery, Maasin, Miag-ao, Oton, Pavia Pototan, Santa Barbara, Tigbauan, San Joaquin, at Sara.
Kasunod nito, inimbitahan din si Sen. Go upang inspeksiyunin ang mga newly constructed fire station at fire truck sa munisipyo ng Barotac Viejo.
“Congratulations po sa Bureau of Fire Protection. Congratulations Congressman Tupas, Mayor Tupas, sa mga tulong ninyo sa Bureau of Fire Protection. Isa lang po ang pakiusap ko sa inyo, unahin po natin ‘yung pagseserbisyo sa mga kababayan natin, ‘yung mga mahihirap na walang matakbuhan.”
“At naiintindihan ko ang trabaho (ng mga bumbero sa pagsugpo sa sunog, nasa panganib po kayo parati. Parati ko kayong ipaglalaban sa Senado. Kayo po, mga Bureau of Fire protection, BJMP, coast guard, at mga military at ang ating mga kapulisan. Nandirito lang po ako, bukas po ang aking opisina para sa inyong lahat,” dagdag ni Go.
Namahagi rin si Go kasama ng mga local officials ng mga grocery packs, mask, vitamins, snacks, t-shirts, bicycles, cellular phones, sapatos, bola, at relo para sa mahigit 1-K residente ng lugar.