Groundbreaking at turnover ng mga proyekto sa mga dating CPP-NPA, isinagawa sa Aklan

Groundbreaking at turnover ng mga proyekto sa mga dating CPP-NPA, isinagawa sa Aklan

NAKIISA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa groundbreaking at turnover ceremony ng mga proyekto para sa mga dating miyembro ng CPP-NPA sa Ibajay, Aklan.

Dumalo si 3rd Infantry Division Commander Major General Benedict Arevalo sa aktibidad na ginanap sa Kapatiran Peace and Development Community (KPDC).

Mayroong 28 units ng single-detached two-bedroom houses ang kasalukuyang ginagawa ng 53rd Engineering Brigade.

Kukumpleto ito sa 44 units na ipinagkaloob ng pamahalaan sa mga miyembro ng Kapatiran.

Pinangunahan naman ni Presidential Adviser on Peace Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr. ang inagurasyon ng Coco Mill facility na itinayo ng Provincial Government ng Aklan para sa grupo.

Habang itinurn-over din ang Emergency Food Reserve (EFR) facility sa ilalim ng Science and Technology program ng Department of Science and Technology (DOST).

Layunin nito na suportahan ang pangmatagalang kabuhayan ng mga kapatiran lalo na ang ready-to-eat food sa panahon ng kalamidad at sakuna.

Follow SMNI NEWS in Twitter