PINASINAYAAN ngayong araw ang pagtatayo ng EDSA Busway Concourse sa bahagi ng SM North Edsa sa Quezon City sa pamamagitan ng groundbreaking ceremony.
Pinangunahan nina Transportation Secretary Jaime Bautista, SM Prime Holdings Inc Pres. Jeffrey Lim, DPWH Usec. Roberto Bernardo, at MMDA Chair Romando Artes ang naturang aktibidad.
Tampok dito ang state of the art, moderno at PWD-friendly busway footbridge na kukonekta sa EDSA busway.