NAGSAGAWA na ng groundbreaking ceremony ang National Bureau of Investigation (NBI) sa head office nito sa Taft Avenue, Ermita Manila.
Ito ay bilang hudyat ng panimula ng konstruksiyon ng bago at modernong gusali ng NBI.
Ang naturang seremonya ay pinangunahan mismo ni NBI Director Medardo de Lemos at iba pang mga opisyal mula sa Department of Public Works & Highways.
Hindi naman nakarating sina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan.
Ang itatayo aniyang gusali ang magiging bagong tahanan ng NBI na mas pinalawak pa ang mandato.
Kaugnay nito’y nangako naman si Director De Lemos na mas lalo pa nilang paghuhusayin ng NBI ang serbisyo sa taumbayan.