Group show at solo exhibit, pinaghahandaan ni Solenn Heussaff

Group show at solo exhibit, pinaghahandaan ni Solenn Heussaff

KASALI ang actress-painter na si Solenn Heussaff sa gaganaping group show sa Art Fair Tokyo ngayong Setyembre.

Ibinahagi na rin ng aktres na magkakaroon muli siya ng solo exhibit sa Provenance Gallery sa Shangri-La, The Fort sa Disyembre.

Ayon sa aktres, wala muna siyang update hinggil sa kaniyang mga obra para sa mga exhibit para maiwasang ma-preempt kung anuman ang kaniyang ginagawa.

Ngunit tiniyak nito na ito ang kaniyang ginagawa araw-araw.

Matatandaang taong 2021 pa nang huling magkaroon ng solo exhibit ang aktres.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble