IPINAGMALAKI ng Department of Justice (DOJ) na naging matagumpay ang paglalakbay ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) na bumiyahe sa tinawag na Zamboanga, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi (ZAMBASULTA) mula Enero 21–26, 2024 para sa unang bahagi ng imbestigasyon sa backdoor exits na ginagamit na ruta ng human trafficking syndicates palabas ng Pilipinas.
Sa pamumuno ni DOJ Usec. Nicholas Felix Ty ay kasama sa grupo ang Philippine Coast Guard (PCG), Presidential Anti-Organized Crime Commission, Bureau of Immigration (BI), Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), Philippine National Police (PNP), Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Palawan, at Puerto Princesa Anti-Trafficking Task Force at iba pa.
Nakipagpulong ang naturang grupo sa mga opisyal ng ZAMBASULTA tungkol sa sitwasyon ng backdoor exits na ginagamit sa human trafficking syndicate sa karagatan.
Naging positibo ang pananaw ni Ty na mahalagang hakbang ang ginawang paglalakbay ng IACAT upang mas lumawak ang kaalaman ng mga Pilipino sa human trafficking.