Grupo ng Igorot sa UK, nagpahayag ng suporta para kay Director Gen. Bantag

Grupo ng Igorot sa UK, nagpahayag ng suporta para kay Director Gen. Bantag

MATAPOS masuspinde sa pwesto ang Director General ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Gerald Bantag, 2 linggo na ang nakalilipas  umani ito ng atensyon mula sa mga kababayang Igorot sa United Kingdom.

Nagtipon ngayong araw ang mga kababayang kabahagi ng Indigenous People Group na Igorots sa UK sa Speakers’ Corner Marble Arch, London upang magbigay ng suporta sa director general ng Bureau of Corrections na si Gerald Bantag kaugnay sa kinakaharap niyang issue ngayon.

Ang grupo ng Igorot UK ay nakipag-unayan sa SMNI matapos nilang mabatid na ang kababayan nilang Igorot na si General Bantag ay pansamantalang sinuspinde ni DOJ secretary Crispin Remulla at pinalit si Gregorio Catapang ayon sa utos ng Pangulo ng bansa.

We have already seen and we are the beneficiaries of his service especially sa BuCor when marami siyang nagawa demolishing the five star kubol, rejecting bribery, standing for integrity to protect, for protection of our citizen sa atin. Mga kababayan natin… Against all horrible crimes, bribery, drugs, drug lords and everything,” ayon kay Mila Mendoza, Igorot UK Past Officer.

“We are Igorots and we are the minorities, one of the minorities in the Philippines. We also try to defend equality, okay? Let’s not taint his name unnecessarily but support his cause, support his cause against drug lords, against drug addicts, against the criminals,” ayon naman kay Angelita Ut-Utan Castillo.

.“I am Juliet Manarin, one of the members of the United Kingom and one of the leaders too. Gusto naming iparating yung suport namin kay General Bantag kasi alam namin and we trust him na he was doing his best as the general of the BuCor. Siya yung tao na kailangan natin, kasi kailangan talaga natin ng kamay na bakal na pupuksa dito sa mga drug lords o kaya anything that pertains drugs and tayong lahat na mga igorot we have to stand for him, we have to support him because we trust him. Ganyan kasi ang Igorot, once na may trabaho siya, pinapanindigan niya yun. Fight for General Bantag. Thank you,” ani Juliet Manarin.

Nagpahayag din sila ng nagkakaisang mensahe kay Pangulong Marcos na sana’y bigyang pansin ang pagsisiyasat sa nangyaring krimen sa Bilibid Prison.

“President Bongbong, we believe and support your true government. I hope and we have a high confidence na malalaman din kung ano yung totoo without any fishy intervention sa mga likod. Yan yung ano ko kay President Marcos. I hope that he will be going to re-assess, he will be going to reconsider kung sino man yung i-aappoint niya or whatever during this case,” saad naman ni Mila Mendoza.

“President Bongbong we support you, we love you but we also want or need your help in this situation especially in support to General Bantag. We are defending justice for General Bantag,” ayon kay Angelita Ut-Utan Castillo.

“We just hope that we go for the people who do the job and I believe that it’s General Bantag who did the job for cleaning Bilibid. Isn’t it? There were loads of generals who have been there but he was the only man with balls to actually you know eradicate these drug lords, eradicate the drug dens and everything in the Philippines and that’s how I’ve known General Bantag. I’m very proud as Igorot because he is also like someone who showed integrity and bravery which is something that we value,” saad nito.

“Kami po ay from Igorot UK we are so sad that ganun ang nangyari kay General Bantag. That he was just suspended immediately, however, it was okay. I mean they need to do the investigation but then yung ura-urada na paalisin na siya agad without fair treatment sa kanya kasi parang sa case niya he was suspended (including his entire group) yeah nakasama pa yung mga singkwenta yata na mga tauhan niya… meron yatang hindi fair na nangyari dito sa kanya kasi yung ibang cases bakit walang nangyaring mga suspension? He mentioned that sa mga interviews niya eh and then sa kanya parang siya na lang ginigisa and it’s like everybodyis surprised with the treatment that they are doing to him… kasi sa tingin ko nasasabit lang siya sa Lapid case so it seems there is a very unfair treatment to General Bantag,” paliwanag ni Castillo.

Nagnanais ang Igorot in UK group na mabibigyan ng kaliwanagan at magiging makatarungan ang pakikitungo kay Director General Bantag habang iniimbestigahan ang naganap sa Bilibid Prison.

Follow SMNI NEWS in Twitter