Grupo ng mga magsasaka, dismayado sa pagtapyas ng taripa sa imported na bigas

Grupo ng mga magsasaka, dismayado sa pagtapyas ng taripa sa imported na bigas

DISMAYADO ang grupo ng mga magsasaka sa pag-apruba ng National Economic and Development Authority (NEDA) board na tapyasan ang taripa sa imported na bigas.

Ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), ang hakbang na ito ay lalong magpapahirap sa mga lokal na magsasaka.

Hindi rin aniya ito pakikinabangan ng mga konsyumer taliwas sa pahayag ng NEDA na bababa ang presyo ng bigas sa merkado.

Tanging ang mga importer at trader ang makikinabang sa tariff cut na ito.

Sinabi ng NEDA, mula 35% ay ibababa ang taripa sa bigas ng hanggang 15% hanggang sa taong 2028.

Sinabi naman ng sinag na sa halip na bawasan ang ipinapataw na taripa ay dapat na palakasin ang produksyon ng bigas ng mga magsasaka para maibaba ang presyo ng bigas sa merkado.

Bukod sa SINAG, ganito rin ang sentimyento ng iba pang grupo ng mga magsasaka at maging ng ilang sektor.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter