Grupo ng public school teachers, hiniling na maibaba ang optional retirement age

Grupo ng public school teachers, hiniling na maibaba ang optional retirement age

HINIHILING ng ilang public school teachers sa gobyerno na ibaba sa edad na 57 ang kanilang optional retirement age.

Ito’y para mas ma-enjoy nila ang kanilang retirement benefits at hindi bilang pambili ng gamot ayon sa Mandaluyong Federation of Public-School Teachers Association.

Kung matatandaan, noong Enero ay naaprubahan na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang optional retirement age para sa government workers.

Mula 60 ay ibaba ito sa 56 taong gulang batay sa panukala.

Samantala, kasabay rito ay ang apela nila na mataasan ang sahod at medical benefits, mabawasan ang working hours, at mabigyan ng hazard pay.

Follow SMNI NEWS on Twitter