Grupo ng truckers, dumulog ng sumbong sa DILG, PNP dahil sa umano’y malawakang kotongan sa Metro Manila

Grupo ng truckers, dumulog ng sumbong sa DILG, PNP dahil sa umano’y malawakang kotongan sa Metro Manila

PERSONAL nang dumulog sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) ang pinuno ng truckers sa bansa dahil sa malaking lugi nila sa operasyon bunsod ng malawakang kotongan sa kada biyahe nila sa Metro Manila.

Ayon kay Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP) President Maria Zapata, kung anu-anong unnecessary fees ang kanilang mga binabayaran mula sa port hanggang mai-deliver ang kanilang mga produkto.

Nabatid na may iisang malaking grupo at ilang indibidwal ang sangkot sa extortion sa truckers para lamang mabilis na makadaan sila sa lansangan.

Napag-alaman din na wala namang truck ban na ipinatutupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) pero panay traffic violations ang kanilang nakukuha sa ilang traffic enforcers na kadalasa’y pinapalampas na lang kaysa malugi sa ka-transaksiyon.

Bilang tugon, magkakasa ang DILG at PNP ng isang malakihang operasyon sa susunod na mga araw para ang extortionists at mga nasa likod nito.

Kasama na rin ang paglalagay ng dagdag na PNP personnel sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila para maiwasan ang kahalintulad na reklamo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble