ISANG grupo na tinaguriang “Gen Z” ang nahulihan ng halos P300K halaga ng marijuana sa South Cotabato.
Kasunod ito ng isinagawang buy-bust operation ng mga miyembro ng Anti-Narcotic Operatives Region 12, dakong 8:30 ng Miyerkules ng gabi, Disyembre 4, 2024 sa Brgy. Silway 7, Polomolok, South Cotabato.
Kinilala ang mga suspek na sina Clint Pajol Subaldo alias Toto, 24, Darryl Patrimonio Eleccion, 20, Marco Ricardo Publico, 20, Lorgen Jay Legpitan Lopez, 18, at Ryuki Vincent Lariosa, 18 na pawang residente ng Koronadal City.
Nakumpiska mula sa mga ito ang 2 bricks ng mga dahon ng marijuana, 50 gramo ng marijuana leaves na nakasilid sa isang pouch at 15ml na marijuana oil na may estimated-price na P298K.
Bukod sa mga ilegal na droga, nakuha rin ang ilang drug paraphernalia at buy-bust money.
Agad na sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 ang mga suspek.