Grupong Mamamayan Ayaw ng Digmaan, nananawagan na bumaba na sa puwesto si PBBM

Grupong Mamamayan Ayaw ng Digmaan, nananawagan na bumaba na sa puwesto si PBBM

HINDI pa nangangalahati sa termino ang Marcos Jr. administration ay kaliwa’t kanan na ang mga ginagawang kilos-protesta laban sa pamahalaan hindi lang sa Luzon, Visayas at Mindanao kundi maging sa ibang bansa – iisa lang ang sigaw ng mga Pilipino na bumaba na sa puwesto.

Ilang araw lang matapos ang ginawang National Day of Protest, nitong Hunyo 30, na dinaluhan ng libu-libong Pilipino sa buong mundo, heto at muling nagtipon ang ilan sa ating mga kababayan para ipanawagan ang pagbaba sa puwesto ni Pangulong Bongbong Marcos.

Daan-daang volunteers ng “Mamamayan Ayaw ng Digmaan” at “Marcos Alis Diyan” movement ang nagkaisa para iparating sa pamahalaan ang kanilang mga hinaing.

“Tatlo ang branches ng gobyerno natin Executive, Legislative tsaka Judiciary anong ginawa ninyo ngayon? Anong ginawa ninyo sa bansang ito? Bakit hindi kayo manindigan para sa taong bayan lalo na sa banta ng giyera na tayong lahat ay mamamatay,” ani Ben Ranque, Former Usec. Department of Energy.

Ayon kay dating Department of Energy Usec. Ben Ranque, kaya nila binuo ang Marcos Alis Diyan movement ay dahil punong-puno na sila sa pagiging mahina at kawalang resulta sa pamamalakad ng mga nasa kapangyarihan ngayon.

“Kaya kinasa namin itong ‘Marcos Alis Diyan’ kasi wala na kaming magawa. Enough is enough, we have had troubled enough for the trouble. Marami na ang kaguluhan, mataas na ang kagutuman, bumalik ang droga, bumalik ang krimen, bigas saan ang P20 mo? Di ba? Nag-iisip ka ba?” giit ni Ranque.

Para naman sa dating Philippine Diplomat at Political Analyst na si Adolfo Paglinawan, nanganganib ngayon ang ating bansa dahil sa presensiya ng mga Amerikano.

“Punta tayo mula nung 2003, nagpunta sila sa Iraq, ginera nila ang Iraq. Nagpunta sila sa Afghanistan, ginera nila ang Afghanistan. Nagpunta sila sa Syria, sa Libya, at ngayon nasa Ukraine na sila. Naku mga kabansa lahat ng binanggit ko, wasak wasak na bansa at ngayon may masama akong balita sa inyo nandito na sila sa Pilipinas. Tayo na ho ang susunod na wawasakin,” saad ni Adolfo Paglinawan, Former Philippine Diplomat, Political Analyst.

Aniya dahil sa inilatag na missile system ng mga Amerikano dito sa Pilipinas ay nailagay na tayo ngayon sa mapa ng nuclear system ng mga malalakas na bansa na anumang oras ay puwedeng ihulog dito sa Pilipinas.

“Kapag ho ‘yan nalaman nila ‘yung sistema na ‘yan at kinargahan nila ng tomahawk puwede na ho tayong tirahin. Ano ang nangyari ngayon? Nasa mapa na ho tayo ng nuclear ng China, nasa mapa na tayo ng nuclear ng Russia nasa mapa na tayo ng Nuclear ng North Korea,” ani Paglinawan.

Kaya ito ang rason ng grupo kung bakit sila nagsagawa ng kilos protesta.

“Ang Amerikano at the same time kaibigan natin pero ayaw lang namin ng inyong foreign policy para pupunta kayo dito parang colony niyo pa rin kami. You have to ask us. You have to ask the people if ever papayag ba kami. Huwag ‘yung basta-basta isang tao lang kakausapin, bangag pa,” giit ni Paglinawan.

Kaugnay nito may panawagan ang ating mga kapatid na Muslim at mga kababayan OFW kay Pangulong Bongbong Marcos.

“Kaming mga Muslim, siguro naalala ninyo ang tinatawag na Marawi Siege. Sa aming mga Muslim ayaw na naming maulit ang nangyari sa Marawi na talaga namang walang humpay ang putukan dyan. So, kaming mga Muslim kaya kami nandito na ayaw naming maulit ang nakaraan,” giit ni Zaira Ampuan, Muslim Sector.

“Mahal na Pangulo, tandaan mo ang sinabi mo nung nangangampanya ka ang pangarap mo ay pangarap ng mga Pilipino. Bangag ka ba nung sinabi mo ‘yun? Kasi walang Pilipino na naghahangad ng digmaan walang Pilipinong naghahangad ng panganib para sa kanilang pamilya. Ngayon kay Gen. Brawner tignan niyo ang kalagayan ng Pilipinas hindi po kami handa sa kahit anong gulo,” giit naman ni Laurence Luntaga, OFW.

Follow SMNI NEWS on Twitter