Grupong Manibela, may ibang layunin sa 3 araw tigil-pasada sa SONA ni PBBM—Pasang Masda

Grupong Manibela, may ibang layunin sa 3 araw tigil-pasada sa SONA ni PBBM—Pasang Masda

NANINIWALA ang transport group na Pasang Masda na may ibang layunin ang grupong Manibela sa kanilang isasagawang tatlong araw na tigil-pasada.

Sa panayam ng SMNI News, sinabi ni Pasang Masda President Ka Obet Martin na iba ang motibo ni Manibela President Mar Valbuena sa mga reklamo nito laban sa mga ahensiya ng gobyerno partikular na sa Department of Transportation (DOTr).

Binigyang-diin ni Ka Obet na walang public utility vehicle (PUV) phaseout na sinasabi ang DOTr.

Aniya pa, ang tinutukoy ng Omnibus Franchising Guidelines ng DOTr na pinapalagan ng Manibela ay maging angkop lang ang mga PUV sa standard ng public service.

Sa ilalim ng guideline ng DOTr, layunin nitong mapalitan ang traditional jeepneys ng mas environmentally-friendly na fuel at makina.

Nagkakahalaga ng P2.8-M per unit ang panibagong uri ng PUV.

Ang tigil-pasada na ikakasa ng Manibela ay magsisimula sa Hulyo 24 – 26, na itinaon din sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter