Grupong nasa likod ng PI, 20 taon nang expire ang registration

Grupong nasa likod ng PI, 20 taon nang expire ang registration

EXPIRED na sa loob ng 20 taon ang registration ng People’s Initiative (PI) for Modernization and Reform Action (PIRMA).

Ayon ito kay Securities and Exchange Commission Securities (SEC) Review Counsel Katrina Jean Miranda.

Kung mapapansin, ang PIRMA ang grupong nasa likod ng kontrobersiyal na People’s Initiative para sa Charter Change.

Ang meron lang anila sa SEC simula nang ma-expire ang grupo ay articles at bylaws ng pagiging incorporation.

Si PIRMA Lead Convenor Noel Oñate at Anthony Abad o ang mga pangalan na makikita sa signature forms ng People’s Initiative ay hindi bahagi ng corporation nang maging incorporation na ito.

Ayon kay Alex Avisado, ang Legal Counsel ni Oñate, nitong buwan lang inayos ng PIRMA ang kanilang corporate registration sa SEC.

Dahil dito, ayon kay Sen. Nancy Binay, kaduda-duda na ang kredibilidad ng grupo.

Samantala, kung matatandaan, kinumpirma ni Oñate na nakipag-ugnayan ang PIRMA kay House Speaker Martin Romualdez para makakuha ng 3% na lagda mula sa voters ng bawat congressional district.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble