IPINAGBABAWAL na ng Germany ang neo-Nazi Group na Hammerskins sa kanilang bansa.
Kasabay ito ng serye ng raid na isinagawa ng German government sa dose-dosenang bahay ng mga miyembro ng grupo.
Ang grupong Hammerskins ay isang American ring-wing extremist group na ang ideolohiya ay ang pagpapalaganap ng racial doctrine base sa ideolohiya ng Nazi.
Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng mga konsiyerto kung saan umaapela sila sa mga non-member na i-radicalize sila.
Ayon kay German Interior Minister Nancy Faeser, ang right-wing extremism ay nanatiling pinakamalaking banta sa demokrasya ng Germany.
Sa Germany, ang Hammerskin ay binubuo ng 130 na members mula sa 10 estado ng bansa.
Na-searched na rin ng 700 pulis ang mga bahay ng 28 miyembro nito bagama’t hindi naman malinaw kung may mga miyembro bang idinitine ang mga awtoridad.