Grupong TAPS Coalition, nilinaw na ang Maisug Rally ay hindi pagkalaban sa administrasyon

Grupong TAPS Coalition, nilinaw na ang Maisug Rally ay hindi pagkalaban sa administrasyon

NILINAW ngayon ng grupong TAPS Coalition na hindi nila kinakalaban ang kasalukuyang administrasyon, bagkus nais lamang nila na tuparin ng Pangulo ang ipinangako nito noong ito ay nangangampanya pa lang.

Araw ng Miyerkules nagtipun-tipon sa Bustos Bulacan ang iba’t ibang civil society organization mula sa Central Luzon upang ipabatid sa kasalukuyang administrasyon ang tunay na pulso ng bayan kaugnay sa mga pangunahing isyu na kinakaharap ng bansa.

Ayon kay Dr. Edwin Maniti Vice President for Operation ng Anti-Crime and Community Response Team (ACCERT) hinahanap ng taong bayan kung nasaan na ang foreign policy ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ‘friends to all enemies to none’.

Bakit ngayon ay hindi nila ito maramdaman bagkus tayo ay isinusubo na ngayon sa giyera laban sa China.

Si Dr. Maniti ay isa lang sa mga dumalo sa isinagawang Maisug press con sa Bulacan.

Kasabay rito ay inanunsiyo ng grupo na matutuloy na ngayong Abril 28 araw ng Linggo, ang Maisug Peace Rally sa Bustos Bulacan upang kanilang ipagsigawan ang kanilang mga hinaing sa gobyerno.

Follow SMNI NEWS on Twitter