MAGBUBUKAS ng emergency loan program ang Government Service Insurance System (GSIS) sa mga miyembro at pensioners nitong sinalanta ng bagyong Florita.
Ayon kay GSIS President at General Manager Jose Arnulfo Velasco, maaari nang manghiram ang isang miyembro na may existing emergency loan ng aabot sa P40,000.
Habang ang wala namang existing na emergency loan ay maaaring mag-apply sa halagang P20,000.
Dagdag pa ni Velasco, maaari na ring mag-apply ng loan ang kanilang aktibong miyembro na naninirahan o nagtatrabaho sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity.
Nilinaw naman ni Velasco na yung mga active member lamang ang maaring mag-apply ng loan.
Dapat din aniya na may minimum 3 months of paid loans ang mga ito sa nakalipas na 6 na buwan.
At dapat nasa mga lugar na idineklarang state of calamity ang mag-a-apply ng loan.
Bukod sa emergency loan, may multi-purpose loan din ang GSIS ng hanggang P50 million.
“Aside from emergency loan, our members may avail of the multi-purpose loan (MPL) plus, which has a loan ceiling of up to P5 million,” pahayag ni Velasco.
Samantala, magbibigay naman ang GSIS ng P400,000 financial assistance sa anim na eskwelahan sa Northern Luzon bilang bahagi ng adopt-a-school program.
Katuwang dito ng GSIS ang Department of Education (DepEd).
“This is out of the 25 schools that GSIS will adopt nationwide this year as part of its corporate social responsibility program. Since 2014, GSIS has already adopted 85 schools across the country,” ani Velasco.
Sa ngayon, umabot na sa 85 eskwelahan ang bahagi ng adopt-a-school program ng GSIS.
BASAHIN: Emergency loan program, bubuksan ng GSIS sa mga pensioners na sinalanta ng bagyong Florita