INANUNSYO ni Government Service Insurance System (GSIS) President and General Manager Wick Veloso na bukas ang kanilang emergency loan para sa mga manggagawa at residente sa mga apektadong lugar ng pananalasa ng Super Typhoon Karding.
Ayon kay President and General Manager Veloso aabot sa P4 billion ang kanilang budget para dito.
“We have allocated Php4 billion for our emergency loan budget this year so we are ready to help our kababayan in Luzon. We will ensure that the loan assistance will be available to all qualified active members and old-age and disability pensioners based in the affected areas,” pahayag ni Veloso.
Ang mga miyembro ng GSIS na kasalukuyang may balanse sa kanilang loan ay maaring humiram ng P40-K upang mabayaran ang kanilang dating emergency loan.
Ang mga walang dating emergency loan at pensioners naman ay maaaring manghiram ng 20k kung saan mayroon itong 6 percent interest at maaring bayaran sa loob ng dalawang taon.
Dagdag rin ni Veloso madali na lamang ang proseso sa pag-loan ngayon kung saan online na ang transaction sa pamamagian ng app na GSIS touch o di kaya ay sa kanilang website na gsis.gov.ph.
Inaasahan na ang pera para sa loan ay ilalabas agad sa loob ng tatlong araw.
Kwalipikado naman dito ay ang mga GSIS members na aktibo sa trabaho; bayad ng at least tatlong buwan sa kanilang premiums; walang administrative o criminal case at hindi bababa sa limang libo ang suweldo.
Samantala, para naman sa mga hindi makapag emergency loan ay maari namang mag-apply ng multi-purpose loan kung saan pwedeng manghiram ng aabot P5-M.