MAMAMAHAGI ng cash gift ang Government Service Insurance System (GSIS) sa mga government retiree sa bansa.
Nagkakahalaga naman ang nasabing cash gift ng P10,000 o katumbas ito sa isang buwang pensiyon ng isang ordinaryong government retiree.
Ang naturang halaga naman ay mas mababa ito sa naturang halaga na kanilang natatanggap na pensiyon mula sa GSIS.
Samantala, umabot naman sa P4-B ang ibibigay ng GSIS sa mga government retiree sa bansa na ngayon ay tumatanggap ng pensiyon sa GSIS.
Nakatakda namang umpisahan ang pamamahagi ng cash gift simula sa unang linggo ng Disyembre.