MAAARI nang ma-access ng mga Pinoy pensioner na nasa Singapore at United States ang Touch mobile app ng Government Service Insurance System (GSIS).
Mula rito ay maaari na rin ayon sa GSIS ang pagbibigay ng proof of life requirements para sa Annual Pensioners Information Revalidation (APIR) sa pamamagitan ng app.
Ang lahat ng pensioners ay bibigyan ng one-time personal identification number (OTP) para dito.
Ipinaliwanag na rin ng GSIS na US at Singapore ang inuna nila dahil 78% sa pensioners na nasa abroad ay nakatira sa mga nabanggit na bansa.
Taong 2020, inilunsad ang GSIS Touch mobile app at exclusive palang ito sa pensioners na nasa Pilipinas.