Guanzon, pinaratangan na red tagger umano si Dr. Lorraine Badoy

Guanzon, pinaratangan na red tagger umano si Dr. Lorraine Badoy

WALANG pagdadalawang isip na pinaratangan ni former COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na red tagger umano si Dr. Lorraine Badoy.

Ani Guanzon, minsan nang nawala ang isyu ng red tagging kung saan sa pagpasok ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay muli itong bumalik na siya namang pinalala aniya ni Lorraine Badoy.

Dagdag pa ni Guanzon, ang ginawang pangreredtag ni Badoy sa husgado ng Manila RTC Branch 19 ang pinakamalalang nagawa nito.

Samantala, sa programa ng Laban Kasama ang Bayan ay inaasahan ng marami ang posibleng sagot ni Badoy sa mga binitawang salita ni Guanzon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter