Guarantee letters mula DSWD, puwede nang i-request sa Malasakit Centers

Guarantee letters mula DSWD, puwede nang i-request sa Malasakit Centers

IBINALITA ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kay Committee Chairman Sen. Bong Go sa isang pagdinig na “amended” na ang Memo Circular No. 16 ng ahensiya.

Sa bisa nito ay maaari nang mag-avail ang mga pasyente sa Malasakit Centers ng DSWD Medical Assistance at hindi na nila kailangan pang magpunta sa regional offices ng DSWD.

Bago nito ay tiniyak din ng Department of Health (DOH) kay Senator Go na siyang bumuo ng Malasakit Centers Program, na tuloy-tuloy ang pondo para makatulong sa mga pasyente sa kanilang gastusing-medikal.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter