INIHAYAG ng Guatemala na handa silang tumanggap ng mga migrante mula sa ibang bansa na naipa-deport ng Estados Unidos.
Sa paliwanag, makakauwi ang mga naipa-deport sa kani-kanilang bansa sa gastos naman ng Estados Unidos.
Ang tatrabahuhin na lang ngayon anila ang legalities na kailangan dito dahil may konstitusyon din silang sinusunod ayon sa Guatemala.
Ang El Salvador handa ring tumanggap ng mga naipa-deport mula sa Estados Unidos.
Partikular na saklaw sa offer ng El Salvador ang iba’t ibang rasa maging mga Amerikano at legal na mga residente doon na nakulong dahil sa mga marahas na krimen na kanilang kinasasangkutan.