Guidelines para sa limited face-to-face classes, nakalatag na —DepEd

NAKALATAG na ang guidelines para sa pagsasagawa ng limited face-to-face classes ayon sa Department of Education (DepEd).

(BASAHIN: Dry run ng face-to-face classes, target ang 500 paaralan)

Ito ay bagaman wala pang kasiguraduhan kung kailangan pahihintulutan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng traditional classes.

Ayon kay DepEd Usec. for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, mayroong 3 major requisites ang kailangang masunod bago magsagawa ng face-to-face classes ang isang eskwelahan.

Una rito ani San Antonio, kailangan ay nasa COVID-19 low-risk area ang paaralan, pangalawa naman ay dapat mayroong nabuong strong relation at patunay na nag-ugnayan para sa shared responsibility ang local government unit, mga magulang at ang paaralan.

Pangatlo naman ay ang compliance at mahigpit na implementasyon sa protocols at iba pang health measures na itatalaga ng DepEd.

Kabilang din dito ang pagiging handa ng LGUs, eskwelahan at mga magulang sakaling magkaroon ng transmission ng COVID-19 sa pagsisimula ng face-to-face classes.

Pagbibigay-diin ni diosado, mananatiling voluntary at hindi sapilitan ang paglahok sa naturang programa.

Face-to-face graduation, nakasalalay pa rin sa desisyon ng IATF

Nakadepende pa rin sa desisyon ng Inter-Agency Task Force kung pahihintulutan ang daraos ng face-to-face graduation ceremony.

Ani Department of Education Usec. for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, susundin pa rin nito ang gabay ng IATF sa kanilang mag isasagawang programa.

Gayunman aniya, pinag-naghahandaan na ng Executive at Management Committee ng DepEd ang mga ganitong klaseng posibilidad.

Sakali naman aniyang payagan ay tiyak na hindi pa rin pahihintulutan ang pagkakaroon ng maraming tao at sabay-sabay na pagdaraos ng sermonya.

Kung hindi naman pahihintulutan, tiniyak ni Diosdado na mayroong contingency o Plan B ang mga eskwelahan upang maipadiriwang ang milestone ng mga mag-aaral gaya ng virtual graduation.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.