Guidelines sa pag-aresto ng face mask violators, ilalabas ng DOJ

Guidelines sa pag-aresto ng face mask violators, ilalabas ng DOJ

POSIBLENG mailabas na ng Department of Justice (DOJ) ang mga binubuong panuntunan sa pag-aresto sa face mask violators.

Ito’y matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kamakailan na arestuhin na ang mga hindi sumusunod sa tamang pagsusuot ng face mask.

(BASAHIN: Duterte, ipinaaresto ang mga indibidwal na hindi maayos ang pagsusuot ng facemask)

Kumpiyansa ang DOJ na mailalabas nila sa susunod na linggo ang binubuo nilang panuntunan.

Gayunman ay ipinaliwanag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kahit wala pa ang guidelines ay maaari namang manghuli ang mga local government units dahil may umiiral namang ordinansa sa kani-kanilang mga lokal na pamahalaan.

Maaari rin aniyang ipatupad na lang ang community service sa mga violators sa halip na sila ay arestuhin na sinang-ayunan naman anya ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Nilinaw naman ni Guevarra na pinag-aaralan pa nilang maigi sa binubuong panuntunan ang posibleng mga implikasyon nito tulad ng pagsisiksikan sa mga kulungan kapag inaresto lahat ang mga violators na maaari anyang maging dahilan ng lalo pang pagkalat ng virus.

SMNI NEWS